top of page
Search
Writer's pictureJay Tan Cabanillas

Sa likod ng kakulangan, patuloy ang kasiyahan




Kahirapan ito ay tumutukoy sa kakulangan ng pangunahing pangangailangan ng tao, tulad ng pagkain, bahay, pera kakulangan sa edukasyon at iba pa. Kahirapan rin ang isa sa mga mabibigat na problema na hinaharap at isinisisi natin sa ating pamahalaan. Isa na dito ang korapsyon na sanhi ng halos paghirap ng ating bansa Ngunit ito lang ba ang dahilan kung bakit tayo naghihirap? Sa palagay ko ay hindi, kahit anumang gawin tulong ng mga nagmamalasakit upang tulungan ang mga taong mahihirap ngunit kung ang taong naghihirap ay hindi gumagawa ng paraan upang siyay makabangon sa mahirap na pamumuhay ito ay magiging walang bisa o walang pakinabang.


. Nasasaatin o nasa sarili pa rin natin ang susi upang malutas ang problemang ito sa pamamagitan ng pagsisikap at tiyaga upang makabangon. Sa totoo lang marami ng oportunidad ang nakabukas sa panahon ngayon, mga organisayon na handang tumulong upang ikay mabigayan ng trabaho, mabigyan ng mga pangunahing pangangailangan at libreng pag aaral. Ang dapat na lamang nating gawin ay saluhin ang oportunidad na iyon at iwasan natin ang ugaling nakasayan na pagiging tamad at crab mentality. Bilang kabataan ang magagawa ko lamang upang mabawasan ang kahirapan ay pagsulong ng adbokasiya na pagtulong sa mahihirap na isa sa mga hakbang upang mabawasan ang paghihirap at pagbibigay pag-asa sa mga tao na habang tayo ay nabubuhay sa mundo ito ay maraming posibleng makamit basta't lakipan ng sipag at determinasyon.


Ni Reynald A. Villanueva




60 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page