SA LIKOD NG MGA KAMAY
Disyembre uno (01) noong maitatag ang samahan ng mga kabataan ng Puerto Princesa Palawan sa pamagitan ng Post sa Social Media app na Facebook at kumunikasyon saa Messenger ay nagawang makabuo ng iisang organisasyon na may layuning tumulong sa mga kabataang kapos palad sa pangunguna ni Jeric S. Cabanillas na labing limang taong gulang lamang noon. Sa pagkakatatag ay mayroong kasapi na labing tatlong (30) miyembro at apat na volunteer ng isagawa ang kauna-unahang pagbibigay tulong at regalo na isinagawa sa Barangay Princesa at Barangay Bagong Sikat na magkaparehong nasa bayan ng Puerto Princesa.
Kamakailan lamang Disyembre 30, 2017 ay isinagawa ang ikalawang proyekto sa Barangay Tagburos kasama ang 30 mga bagong mga miyembro ay tagumpay na nabahagi ang mga regalo at feeding program sa mga kababayang Muslim o "Badjao" na labis na natuwa sa ibat ibang palaro at bahagi ng programa.
ABOUT ME
Jeric S. Cabanillas ay isinilang sa bayan ng Puerto Princesa probinsya ng Palawan, kasalukuyang labing pitong taong gulang at nag-aaral sa Palawan National School sa track na Arts and Design.
Lumaki sa hindi mayamang pamilya na ramdam at naiintindihan ang sitwasyon ng mga kababayang nakararamdam ng gutom at hirap. Ang mabuting pagpapalaki ng kanyang mga magulang ay ang kanyang naging motibasyon upang bumuo ng isang samahan na may layuning tumulong sa mga batang lansangan at mga batang nagugutom sa kanilang bayan.
Ang kanyang mga magulang na nagsisilbi sa kanilang barangayay ay ang kanyang mga iniidolo pagdating sa liderato, malaki ang naging motibasyon ito upang siya ay mahikayat na tumakbo at mapabilang sa Sangguniang Kabataan ng kanilang barangay.