top of page
Search
Writer's pictureJay Tan Cabanillas

Kauna-unahang 'Give Love Project', Tagumpay na Naisagawa

TRIPLETS BENEFICIARIES. Ang ilan sa mga batang nabahagian ng mga matatamis na ngiti sa kauna-unahang proyektong ginanap na "Give Love Project" ng Teen Goals sa Barangay Princesa, Puerto Princesa City, Palawan.

_________________________________________________________________________


Ang makakita ng mga ngiting nakapinta sa mga mukha ng mga inosenteng bata ay napakasarap sa pakiramdam pagmasadan. Sa kanilang bawat halakhak ay panandaliang nakapagpapawi ng mga nararamdamang bigat at pagod.


Kaya nitong DISYEMBRE 23, 2016 ay isinagawa ang kauna-unahang "Give Love Project" ng Teen Goals sa Barangay Princesa. Sa pamamagitan ng iba't-ibang tulong na nagmula sa mga may mabubuting puso, ang organisasyon ay nakalikom ng mga damit, laruan at pagkain na naipamahagi sa mga bata. Tatlumpong (30) mga bata ang mga naging benepisyaryo ng programa. Kasama ang ilan sa kanilang mga magulang na nabahagian din ng mga damit at pagkain, ang mga bata ay nakisaya sa ibat-ibang palaro at feeding program.

Lubos na nagpasalamat ang Barangay Council ng Barangay Princesa para sa tulong na nagmula sa ibat ibang taong may mabubuting puso, na may iilang hindi na nagbigay ng pagkakakilanlan, at lalong-lalo sa buong pamunuan at mga miyembro ng Teen Goals na "tunay na nakabibilib" ayon sa Barangay Council ng Barangay Princesa.

"Napakasarap sa pakiramdam ang mabiyayaan, kaya nararapat na maibahagi natin yung mga biyaya na natatanggap natin,"

-Jeric S. Cabanillas

Teen Goals Founder

Matapos na magpamahagi ng tulong sa Barangay Princesa ay agad na tumungo ang mga boluntaryo sa Roxas Street upang ipamahagi pa ang iilang mga damit at mga pagkain sa mga batang Badjao.



Ni: Jeric S. Cabanillas

13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page