top of page
Search
Writer's pictureJay Tan Cabanillas

Keep Smiling

"Kabataan ang pag-asa ng ating Bayan.” ngunit sa kahirapang ating kinahaharap ay lubos na naaapektuhan ang kanilang kinabukasan. Maraming isyu ang napupukol kaugnay sa mga kabataan at ang iilan sa mga pangunahin ay ang bunga ng kahirapan gaya ng pagnanakaw at ang "child labor". Hindi na bago ang talamak na isyu ng nakawan kaugnay ang mga batang kapus-palad lalo na sa Maynila. Ngunit hindi lamang sa Maynila dahil mayroon din na iilang mga isyu ng pagnanakaw na sangkot ang mga menor de edad sa bayan ng Puerto Princesa. Kamakailan lamang ay ibinalita sa TV Patrol Palawan ang nangyaring nakawan sa barangay San Miguel kung saan isang bata ang nahuling nagnakaw sa isang tindahan. At ayon sa isang iterbyu ang batang nahuli na labing dalawa (12) taong gulang ay hindi nag aaral at walang mga magulang.


Kung ating pagninilay-nilayan ay mayroon at malaki ang ating magagawa bilang isang mamamayan ng ating bayan sa pagbabago ng isyung ito. Ang pagtulong sa mga batang mahihirap sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay na nararapat at tama Ay malaking tulong upang magkaroon sila ng kaalaman.


Ni Jeric S. Cabanillas


12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page